Kathleen Hermosa to wed non-showbiz boyfriend Miko Santos in June

Kathleen Hermosa to wed non-showbiz boyfriend Miko Santos in June

Ikakasal na sa Hunyo 2023 ang aktres na si Kathleen Hermosa sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Miko Santos.

Si Miko ay isang banker na tubong Cebu.

Saad ni Kathleen, 41, “People would always ask me, ‘Bakit di pa ako nagbo-boyfriend?’ Parang single ako for almost three years, bakit hindi, e, annulled ako for almost seven years na.

“So, basically, nung nagkakilala kami, immediately sinabi ko na kaagad sa kanya na hindi ko intensiyon mag-boyfriend lang.

“Sabi ko, ‘I’m not interested in relationships anymore, gusto ko marriage, yun talaga ang direction ko kasi I’m not getting any younger,’ sabi ko. Sabi niya, ‘Okay lang.’

“So usually, men, when they hear that, parang alarm yan sa kanila, parang red flag yan sa kanila. Ayaw nila yang mga ganun na straightforward na babae.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kathleen sa pamamagitan ng Instgaram direct messaging kahapon, February 3, 2023.

“BLESSING TALAGA ‘TO NI GOD”

Long-distance relationship ang meron sina Kathleen at Miko dahil naka-base sa Queen City of the South ang fiancé ng aktres.

Sa isang buwan, isa o dalawang beses lilipad si Miko papunta sa Maynila para magkita sila.

Dagdag pang kuwento ni Kathleen, “So, nag-question ako sa kanya, ‘What do you prefer? Gusto mo ba ng anak muna tapos walang… no marriage?’

“And ito talaga ang alam kong isa sa mga reasons kung bakit ko siya nagustuhan.

“Sabi niya, ‘No, gusto ko lahat, may blessing ni God.’

“Kaya dito ko na-realize na only God knows kung sino talaga ang para sa atin. After that nasabi ko, ‘Ito yung guy kasi gusto ko mahal si God. May Diyos.’”

Nakilala ni Kathleen si Miko noong June 2022. Makalipas ang halos dalawang buwan ay naging sila na.

At nitong nakaraang December 2022, nag-propose na sa kanya si Miko.

Masayang sabi pa ni Kathleen, “Blessing talaga ‘to ni God kasi hindi ko ‘to hinanap, e. When I met him, hindi ako naghahanap.”

At sa darating na Hunyo nga ay magiging “June bride” si Kathleen sa isang very intimate destination garden wedding. 

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes