Did Moira dela Torre just confirm Jason Hernandez cheated on her multiple times?
Palaisipan ngayon sa netizens kung pasaring ba ni Moira dela Torre sa estranged husband na si Jason Hernandez ang lyrics ng hugot song na kinanta ng female singer-composer sa kanyang concert.
Sa isang bahagi ng Moira Tour 2023 concert nitong nakaraang February 3, 2023 sa Araneta Coliseum, ibinirit ni Moira ang kanyang bagong kanta na tila hugot mula sa kanyang karanasan sa buhay.
Tungkol ito sa paulit-ulit na pagkakamali ng isang taong minahal mo kung saan nasayang lamang ang limang taon ng buhay mo dahil sa taong ito.
Sa TikTok nitong nakaraang Sabado, February 4, in-upload ng isang netizen ang snippet ng kanta ni Moira
Base sa lyrics, may isang tao na nagkamali pero ang pagkakamali ay masasabing mali kung isang beses lamang ito nangyari.
Ito ang nilalalaman ng lyrics:
“You said you made a mistake
“But isn’t a mistake only a mistake if it’s ONE TIME
“But if it’s again and again, sorry honey but I just gotta run for my life.
“Wasted 5 years of my life
“Were they wort all of your lies, oh why
“You said you made a mistake
“But there’s no one else to blame
“’Cause you didn’t do it just ONE TIME
“OR TWO TIMES OR THREE TIMES OR FIVE TIMES
“I forget BYE BYE”
Caption dito ng uploader: “RED FLAGS may pinapatamaan yern? #moiradelatorre #moira”
Wala mang direktang tinukoy na pangalan ang uploader, ang netizens na mismo ang nagsabing hugot ito ng ni Moira laban sa nakahiwalayang asawa.
Ipinaalam nina Moira at Jason, via joint statement noong May 31, 2022, na hiwalay na sila matapos silang ikasal noong 2019.
Inamin din ni Jason na hindi siya naging tapat sa pagsasama nila ni Moira.
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”