Julia Barretto at Bea Binene, magsasama sa pelikulang "Will You Be My Ex?"

Julia Barretto at Bea Binene, magsasama sa pelikulang “Will You Be My Ex?”

Magkakasama sa isang pelikula sa kauna-unahang pagkakataon sina Julia Barretto at Bea Binene.

Sila ang mga bida sa Will You Be My Ex?, ang relationship movie ng Viva Films na mula sa direksiyon ni Real Florido.

Si Diego Loyzaga ang lead actor sa Will You Be My Ex? na bukas, February 6, 2023, ang unang araw ng shooting.

Ito rin ang unang beses na pagsasama nina Diego at Julia sa isang pelikula.

Sa pagkakaalam ni Julia, nakatrabaho lamang niya si Diego sa Mirabella, ang 2014 drama-fantasy series ng ABS-CBN.

Nagulat at natawa siya nang ipaalaala sa kanyang una silang nagkasama sa isang episode ng Wansapanataym noong 2013, ang “Petrang Paminta.”

“Wow, was it Petrang Paminta? I don’t even remember that. Was it?” natawa at nagtakang reaksiyon ni Julia.

Nang sumagot si Diego ng “Oo,” sinabi ni Julia na “I’m so excited to work with Diegs because he’s been a friend of mine for a very long time and, apparently, we’ve worked together twice.

“But I’m excited to be working on him this time around. We’re a bit older now. I hope we’re a bit more mature now.”

Nagpahayag naman ng kasiyahan si Bea dahil nabigyan siya ng tsansang makatrabaho, hindi lamang sina Julia at Diego, kundi ang ibang mga artista ng Viva Entertainment.

“I’m very excited na ngayon since I’m with Viva already,” saad niya.

“Nung interview ko dun sa signing ko, sinabi ko nga na I’m sure this will really open up a new world for me. Na parang talagang mawa-widen pa yung reach ko.

“Mas marami pa akong puwedeng gawin. Mas marami pa akong makatrabaho, and I think, isa itong project na to.

“I think it’s safe to say na isang pamilya kami dito and I’m just really looking forward to working with everyone, not just Julia and Diego.

“Of course, I’m excited to work with them, but the whole production, everyone talaga. I’m really really just looking forward and very excited to start na.”

Naging opisyal na contact star ng Viva Artists Agency si Bea noong September 2022 makalipas ang labingwalong (18) taon na pananatili sa GMA-7.

Read: Bea Binene, lumipat na sa Viva Artists Agency; magiging Kapuso pa rin kaya?

Tungkol sa mga dating magkakarelasyon na naging magkakaibigan ang kuwento ng Will You Be My Ex? kaya tinanong sina Diego, Bea, at Julia kung handa ba silang maging kaibigan ang ex-partners nila.

Sagot ni Diego, “Yeah, definitely! It depends siguro kung anong nangyari. Kung okay kayo nag-end, I guess you can be friends.”

Iba naman ang pananaw ni Bea.

Aniya, “Para sa akin, siguro not right away and hindi friends as, like, friends, pero siguro civil.

“Ako kasi, naniniwala ako na time heals so siguro patagal nang patagal ang panahon, mas ma-accept mo everything that happened.

“Kumbaga, kapag kaya mong tingnan sa mata sa mata yung ex mo. Kapag natanggap mo na.”

Nakiayon na lamang si Julia sa mga sagot nina Diego at Bea dahil inirereserba niya sa press conference ng kanilang pelikula ang kanyang mga sasabihin.

“Ako siguro happy na ako sa sagot ni Bea saka ni Diegs kasi parang ang aga pa para bukas ma-headline na.

“Baka sa presscon na lang kapag showing na tayo pero shoot tayo in peace,” sabi ni Julia sa Zoom story conference ng Will You Be My Ex? na naganap nitong Linggo ng hapon, February 5, 2023.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes