Marjorie Barretto is against son Leon Barretto joining showbiz: "No way!"

Marjorie Barretto is against son Leon Barretto joining showbiz: “No way!”

Kontra si Marjorie Barretto na pumasok din sa showbiz ang nag-iisa niyang anak na lalaki na si Leon Barretto.

Si Leon ay ang bunso sa tatlong anak ni Marjorie sa dating asawang si Dennis Padilla; ang dalawa pa ay sina Julia Barretto at Claudia Barretto.

May dalawa pang anak si Marjorie: ang panganay na si Dani Barretto na anak niya sa aktor na si Kier Legaspi, at bunso na si Erich, na anak ng dating aktres kay former Caloocan City Mayor Recom Echiverri.

Nagbato ng mga tanong si Leon sa kanyang ina sa YouTube vlog ng binata noong February 3, 2023.

Tinanong ni Leon kung ano ang payo sa kanya ng ina kapag nag-graduate siya sa college.

Si Leon ay kumukuha ng Marketing sa University of Asia and the Pacific.

“Getting to medical school,” sagot ni Marjorie, na nais magdoktor ang anak.

“I can’t imagine you in the outside world. I can’t imagine you after college.”

Sundot na tanong ni Marjorie sa anak: “What do you plan to do?”

Sagot ni Leon: “I don’t know. But I have a question… If I become an artista…”

Kahit hindi pa tapos magtanong ang anak ay kinontra na ito agad ni Marjorie: “Oh, my God, please. I don’t like…”

Kita sa mukha ni Marjorie ang pagiging kontra niya sa ideya ni Leon, na inusisa ang ina kung bakit ayaw nito.

Sagot ni Marjorie, “Hindi ko talaga gusto. Pag naiisip ko si Leon mag-aartista, talaga yung katawan ko nire-reject niya.”

Alam din ni Leon na kahit ang kanyang mga kapatid na babae ay salungat sa ideyang pumasok siya sa pag-aartista. 

Dagdag ni Marjorie, “Hindi talaga, Leon. Alam mo, honestly, kami lahat ng kapatid mo pag sinasabi mo mag-artista [ka], we’re one. We’re like, ‘No way!’”

Sina Marjorie, Dennis, Julia ay mga artista; habang si Dani ay vlogger, at si Claudia naman ay singer.

“Definitely they’re all very good people,” sabi ni Marjorie tungkol sa showbiz people.

“But I’m just saying I would like to see the second batch of my children outside of the industry.”

Ang “second batch” na tinutukoy ni Marjorie ay sina Leon at Erich.

“I wanna see you into business. I wanna see you in a different path.

“And ang galing-galing mo sa school. Takot ako na baka pag pumasok ka, bigla kang mag-stop mag-school. Wag na.”

Pinag-iisipan pa raw ni Leon ang pagdodoktor pero iyon ang hangad ng kanyang ina.

LOVE ADVICE OF MARJORIE to leon

Ito ang love advice ni Marjorie kay Leon: Magsalita nang malumanay at huwag mananakit ng babae.

Paalala niya sa anak: “Speak kindly. Words are really powerful. How you treat your wife will also determine what kind of life you want in your family.

“Kailangan yung words that bring life to her. Hindi yung parang dina-down. Kahit pag irritated ka, hindi yung bastos yung pagkasabi mo.”

Dagdag pa ni Marjorie: “You never, never hit women, not even to push women.

“Not even like galit ka lang na natulak mo. Umpisa na yan. That’s the beginning of the end.”

Ito rin daw ang paalala ni Marjorie sa kanyang mga anak na babae.

“Pagka may boyfriend ka, tapos nag-away kayo, tapos nabuhatan ka ng kamay even just the slightest, that’s it. Talagang red flag yon. Hindi yan magbabago.”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes