Derek Ramsay reacts to “10-15 yrs doon mo malalaman kung matibay kayo” comment
Ipinagdiwang nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang second anniversary bilang magkarelasyon noong February 4, 2023.
Read: Derek Ramsay, Ellen Adarna confirm relationship: “May relasyon kami, oo.”
Ipinagdiwang nila ito sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga sweet video at photo sa kani-kanilang Instagram accounts.
Si Ellen ay ibinahagi ang kuha niyang larawan dalawang taon na ang nakararaan, kung saan una raw siyang sinabihan ni Derek ng “I love you.”
Isang black-and-white photo ito kung saan tila may ibinulong sa kanya si Derek.
Sabi ni Ellen sa kanyang caption: “2 years ex boyfriend. [laughing emoji] this photo is from 2 years ago today…
“i still remember clearly when you told me ‘i love you’ [laughing, smiling face with hearts eyes, face blowing a kiss emojis] i love you too! [heart emoji] @ramsayderek07 02.04”
Si Derek naman ay nag-upload ng isang short video kung saan makikitang nakadagan siya sa asawa.
Parang bagong gising lamang ang dalawa at naghaharutan pa sa kama.
Caption niya sa video: “2 years strong with my X girlfriend. Dai @maria.elena.adarna pls Marry me again! [smiling face with hearts emojis]”
Ang post na ito ni Derek ay mayroon nang lagpas 500 comments mula sa netizens.
Pero, isa lamang ang kanyang pinansin at sinagot.
Komento ng netizen: “10-15 yrs doon mo malalaman kung matibay kayo”
Siniguro naman ni Derek na magtatagal sila ng asawa.
Kaya naman hinamon niya ang nasabing netizen na balikan sila matapos ang dalawampung taon o sa 2043.
Aniya, “Balikan mo kami 20 years from now”
Ikinasal sina Derek at Elle sa isang family-and-closest-friends-only wedding sa Rancho Bernardo Luxury Villas and Resort, sa Bagac, Bataan, noong November 11, 2021.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now married
Nagpakasal muli ang celebrity couple noong November 11, 2022, kasabay ng bakasyon nila sa bansang Peru upang ipagdiwang ang kanilang first wedding anniversary.
Isinagawa ang kanilang muling pag-iisang dibdib sa pamamagitan ng tinatawag na “Peruvian despacho ceremony” na pinangunahan ng isang local shaman.
Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna marry anew in Peru
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 26, 2021 unang umamin ang dalawa na may relasyon na sila.
Noong mga panahong iyon, isang buwan pa lamang daw ang itinatagal ng kanilang relasyon.