Jennica Garcia finally ends talk about marriage to Alwyn Uytingco: “Hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”
Tinapos na ni Jennica Garcia ang usapin tungkol sa estado ng pagsasama nila ng mister na si Alwyn Uytingco.
Sa panayam ni DJ Jhai Ho para sa Hotspot ng ABS-CBN Entertainment Online nitong nakaraang February 2, 2023, diretsahang sinabi ni Jennica na hindi na sila mag-asawa ni Alwyn.
Ayon pa sa Dirty Linen actress, dalawang taon na silang hiwalay ni Alwyn, na ama ng kanyag dalawa anak na sina Mori at Alessi.
Pahayag ni Jennica, “Hindi naman to sa kung ano and since ikaw [Jhai] naman yan, wala din naman kasi akong ibang masasagot kasi talaga regarding sa past relationship ko, marriage ko in the past.
“Yun lang din talaga. I don’t think darating yung araw na magiging bukas ako sa isang open interview para pag-usapan kung bakit ito natapos, kung ano ang nangyari.
“Out of my respect na rin kay Alwyn and his family, more importantly siyempre, yung parents niya.”
Paliwanag pa ni Jennica, ayaw niyang dumating ang araw na hindi siya makatingin sa mata ng kanyang mother-in-law.
Saad niya, “Ayaw ko kasing dumating sa punto na hindi ako makakatingin kina Mama Liza, yung mommy ni Alwyn.
“Ayaw kong dumating yung araw na hindi ako makakatingin sa mata niya dahil may nasabi ako na hindi maganda patungkol sa anak niya.
“Dahil natapos man yung marriage namin, hindi naman sila kasama doon.
“Kumbaga, in my mind, they will always be family. It’s just that, hindi na kami mag-asawa ni Alwyn.”
“HINDI NA RIN NAMAN IISA ANG BUHAY NAMIN”
Ayon pa kay Jennica, hindi siya nagsasalita tungkol dito noon, pero ngayon ay gusto na niyang tuldukan ang usapin para makapag-move on na.
Ayaw na rin daw niyang pag-usapan pa si Alwyn.
Aniya, “Jhai, ngayon ko lang sinabi to kasi usually hindi talaga ako nagbanggit ng name niya, kasi medyo kinakabahan ako, no, kapag tinatanong siya sa akin.
“Pero gusto ko na ring i-take ang opportunity na to na comfortable ako kasi ikaw yung kausap ko.
“Yun na po talaga yun. Wala na po talaga akong ibang maisasagot kung hindi, hindi na po talaga kami mag-asawa.
“And feeling ko, maraming nagugulat, pero matagal na po. Magdadalawang taon na po.
“Hindi siya bago. Oo. Nagkataon lang na hindi po kasi ako nagsasalita about it.
“Pero yun nga, para hindi na rin siya mapag-usapan ulit kasi gusto ko na rin talaga na moving forward, huwag na lang siyang pag-usapan pa.
“Kasi hindi na rin naman iisa ang buhay naming dalawa ngayon, since we’re no longer romantically linked to each other.”
Hindi na idinetalye ni Jennica kung na-annul o napawalang-bisa na ang kasal nila ni Alwyn.
THE BREAKUP
Unang napag-alaman ng publiko na tila may problema ang pagsasama nina Jennica at Alwyn noong March 30, 2021 sa Cristy Ferminute ng Radyo Singko.
Noong panahong iyon, binura na ni Jennica ang mga larawan nila ng asawa sa Instagram. Kaya naman inusisa siya kung bakit binura niya ang bakas ng kanilang pagmamahalan ni Alwyn.
Sagot ng aktres, “Kaya ko naman pong sabihin sa inyo, Nay Cristy, kung tayong dalawa lang po, out of my respect din po, of course, naman po of you.
“It’s just that right now, Nay, talagang hindi lang po kaya sa ngayon na pag-usapan pa po.”
Nabanggit din ni Jennica sa interview na nagre-rent siya noon ng isang one-bedroom unit kasama ang kanyang dalawang anak.
Read: Is Jennica Garcia – Alwyn Uytingco marriage on the rocks?
Noong May 20, 2021, sa exclusive interview ng GMANetwork.com, nagpahiwatig si Jennica na hindi na buo ang kanilang pamilya.
Deklarasyon ng anak ni Jean Garcia tungkol sa kasalukuyang sitwasyon niya: “From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made.”
Read: Jennica Garcia admits split with husband Alwyn Uytingco
Sinubukan naman ni Alwyn na suyuin ang asawa.
Noong June 29, 2021, humingi ng kapatawaran si Alwyn sa kanyang mga nagawang kasalanan sa asawa.
Read: Alwyn Uytingco to wife Jennica Garcia: “Patawad sa lahat ng pagkakamali ko.”
Ikinasal sina Alwyn at Jennica noong February 2014 sa pamamagitan ng isang secret wedding.
Samantala, matagal nang in-unfollow ni Jennica si Alwyn sa Instagram.
Kapansin-pansin naman ngayon na hindi na rin naka-follow si Alwyn sa kanya.