Lanvin De Los Santos told "sayang" after losing La Salle scholarship; bags top 1 in board exam

Lanvin De Los Santos told “sayang” after losing La Salle scholarship; bags top 1 in board exam

Nag-iisang anak at solong itinaguyod si Lanvin Sean De Los Santos, mas kilala bilang Lanvin, 26, ng kanyang ina.

Bagama’t tubong Iloilo City, sa Parañaque City na siya lumaki.

Kuwento niya nang makatsikahan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last February 4, 2023 via Facebook Messenger, “Namatay ang father ko noong unang taon ko sa high school.

“Noong time na yun, hindi ako sigurado kung ano talaga ang trabaho ng nanay ko kasi nakikita ko na kung anu-ano ang ginagawa niya maitawid lang kami sa araw-araw.

“May time kasi noon na namamasukan siya, may time naman na naglalaba siya, kaya ako, nalilito hanggang ngayon kung ano talaga yung trabaho niya noong time na yun.”

Nagtapos siya ng Bachelor of Secondary Education major in Mathematics sa National Teachers College noong June 2019.

Anim na taon bago niya natapos ang kurso.

Natatawang sambit niya, “Actually, hindi ako nag-start ng college sa NTC. I started college in De La Salle University as a full scholar, but then one thing lead to another kaya naligwak ako sa scholarship, saka ako lumipat sa NTC. Ha-ha!”

Read also: Lindy Zalan Aviles, Top 1 in board exam; believes in determination not superstition

BUHAY COLLEGE

Ani Lanvin, fourth year high school pa lang siya, sinabi na niya sa sarili na, “Hindi ko nakikita ang sarili ko sa labas ng classroom.

“I considered this na sign na kumuha ng education sa college at maging teacher.”

Nag-qualify siya sa Vaugirard scholarship ng DLSU, isang yearly program ng university para sa 50 graduates ng Philippine public school.

“Nung nag-start ako ng college, I was in DLSU under a fully paid scholarship. As in wala akong binabayaran, plus allowance and dorm accommodation.

“I think yung main challenges ko lang talaga noong panahon na yun is probably petty in nature.

“For instance, sa buong stay ko parang lagi kong feel na out of place ako. Everything was new to me, kaya para akong batang ligaw sa campus noon. Ha-ha!”

Ang ginawa niya, “I learned not to force myself into situations in which I cannot sustain myself.

“There were times na hindi ako nakaka-relate sa mga conversation ng mga classmates and blockmates ko, and I said to myself na okey lang yun.”

Read also: Casey Angelique Ty, Top 9: “Goodbye, baon… see you, suweldo.”

DLSU SCHOLARSHIP

Hindi na binanggit ni Lanvin kung bakit siya naligwak noon sa scholarship ng DLSU.

Lumipat na rin siya sa NTC.

“When I moved to NTC, I think my biggest challenges were to adjust to the new environment and actually trying to get back up again, which I was able to do kasi napaka-accommodating ng school culture at hindi ako nape-pressure masyado.

“Not to mention na sariwa pa sa akin yung feeling kong parang nangyari kay Icarus na sa sobrang taas ng nilipad, ‘tapos bumagsak bigla.”

Sa Greek mythology, si Icarus yung nagtangkang lumipad papuntang langit, pero tinunaw ng araw ang kanyang pakpak.

Read also: Jane Entuna, Top 8 sa 2 board exams; licensed agriculturist na, licensed teacher pa

MGA KARANASAN AT OBSERBASYON SA BOARD EXAM

Nairaos naman niya nang maayos ang board exam, ero pag-amin niya, “I don’t think na nadalian ako sa exam.”

May mga techniques siyang ginamit.

“Malaking tulong sa akin yung pag-apply ng CARL Method sa pagsagot ng test item.

“Nagbibilog ako doon or nag-a-underline ng important words and choose my answer based on that and the options, kaya sigurado ako sa ibang mga sagot ko doon kahit hindi pumapasok sa isip ko yung concept na itinatanong.”

May pagkakataon din na hindi niya kinaya ang antok kaya natulog sa oras ng exams.

“Sa Professional Education portion na ito. So ang ginawa ko, nagsagot ako hanggang number 120, then natulog ako for 15-20 minutes yata yun. Then, saka ako nagising para tapusin yung natitirang 30 items.

“Sa Specialization naman, sumakit ang ulo ko, pero hindi dahil sa nahirapan ako sa computations. Ang daming typos doon sa Math Specialization, kaloka! Equations pa naman.”

Obserbasyon niya, “Parang feel ko walang quality check ang Professional Regulation Commission pag naglalagay sila ng equations sa exam. Face validity, tagilid! Ha-ha!”

Read also: “Pride of Cagayan” Jaime Baquiran Jr., Top 2 in Mining Engineering Licensure Exam

GUSTONG I-REDEEM ANG SARILI THRU BOARD EXAM

Aminado si Lanvin na target niya talagang maging topnotcher.

“Addressing my personal issues nung nag-transfer ako sa NTC, I simply made it a point to not just pass the board exam, but to actually be part of the top 10.

“The way I saw it, it’s the closest thing I can get to redemption. Una, I don’t want to apply for a scholarship in the meantime.

 “Pangalawa, transferees are not really considered for Latin honors, so those two are already out of the question.

“This means sa board exams na lang ako makakabawi at makakaramdam ng feeling of redemption.”

May mga nagsabi pa aniya noon na sayang yung nangyari sa kanya sa DLSU.

“I know naman na totoo yun. Pero I don’t need people na isampal pa yung fact na yun sa akin.”

“ANAK MO, TOPNOTCHER NA”

Nasa school na pinagtuturuan si Lanvin nang lumabas ang resulta ng board exam.

“Apat kaming nag-exam noon, kaya nag-aabang-abang na ang mga teacher sa paglabas ng exam.”

Sobrang saya umano nila nang makita nilang pasado silang apat.

“Of course, magkakaroon na kami ng lisensiya, e.

“Then, naisipan ng isang kasamahan namin na itsek yung listahan ng topnotchers.

“Nung time na yun, may tumawag sa phone ko. Unknown number. Yun pala si Dr. Carl [Balita] na pala yun, tumatawag.”

Top 1 si Lanvin sa January 2022 Licensure Examination for Professional Teachers, at may rating na 92.80 percent.

Napakarami rin niyang natanggap na tawag, kabilang ang kanyang adviser noong second year siya, at ang dean ng School of Teacher Education ng NTC.

“Hindi ako makagalaw sa upuan ko to the point na 8:00 p.m. na ako nakaalis ng school.”

Pagbabahagi pa niya, “My mom has no idea of what was happening.

“I already posted it on Facebook before ako umuwi, but probably ang busy ng tindahan noong araw na yun kaya siguro hindi niya na-check yung Facebook.

“So, pag-uwi ko, walang congrats na pagbati.

“That’s when I knew na hindi pa niya alam. So, ako na ang bumungad: ‘Panget, anak mo, topnotcher na.’”

Read also: Jocelyn Jerusalem, proud nanay sa dalawang anak na board topnotchers 

INIHANDOG SA SARILI ANG TAGUMPAY

Ayon kay Lanvin, “If things went my own way, I wouldn’t really care about topping the LET.

“Nasipa ko na yung pagiging grade conscious ko noong high school ako. However, this is different.

“When I transferred to NTC, parang pinanghinaan ako ng loob somewhat, since relatively napakalaki ng paglagapak ko, so to speak.

“Idagdag pa yung mindset na, ‘Nasa La Salle ka na, sayang naman.’ So, I decided to do this.”

Sa sarili niya inihandog ang tagumpay.

“Basically, I have a very selfish reason to top the exam. I wanted to top the exam for myself.

“I wanted to give myself tangible proof na magagawa ko ito.

“Hindi kasi nawawala yung feeling na, ‘Nasa La Salle ka na, sayang naman’ even after graduation. So, I wanted to change this mindset for myself.”

Senior high school teacher siya ngayon sa Olivarez College, Parañaque City.

National Lecturer din siya sa Carl Balita Review Center.

Plano niyang kumuha ng master’s degree.

Ani Lanvin, “I am currently looking for possible scholarships here and abroad.

“In terms of scholarships, ang goal ko ngayon is to get the MEXT scholarship ng Japan, but I’m not keeping my hands tied.

“I’m not even sure if I will continue for one more year sa OC or magpa-public or lilipat ng pagtatrabahuhang private school.

“Ang gulo ng isip ko. Ha-ha!”

Payo niya sa mga magkokolehiyo na, “Don’t bother too much with grades.

“Well, sure, pangit din sa transcipt of records na may grades na bagsak [believe it from someone na may 33 units na bagsak sa TOR, ha-ha!].

“Pero hindi rin dapat gawing big deal kung hindi ka ma-qualify as Dean’s List or Latin honors.

“Being too hard on yourself takes the enjoyment out of learning. Siguro, babanggitin ko rito yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko: ‘Basta pasado, okey lang.’”

Huwag din aniyang mag-atubiling magpalit ng kurso once ma-realize na hindi iyon ang gusto.

“Pakiramdam ko na I am speaking from a position of privilege, pero hear me out.

“If you have the means to do so, you’re sure about your decision, and shifting means a better opportunity for you, then go for it.

“May mga friends akong Eduk na hindi naman talaga choice mag-Eduk, and they’re happy in a different field na.

“On the other hand, meron din naman akong co-teachers na hindi naman Eduk graduate, pero they are enjoying the life of a teacher right now.”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes