Maggie Wilson cries harassment after "authorities" tried to barge into her Taguig home

Maggie Wilson cries harassment after “authorities” tried to barge into her Taguig home

Umalma si Maggie Wilson sa pangha-harass umano ng “authorities” sa mga taong naiwan sa kanyang bahay sa Taguig.

Sa Instagram Story ng former beauty queen-actress ngayong Martes, February 7, 2023, ibinahagi niya ang CCTV footage kung saan makikita sa labas ng kanyang bahay ang isang pulutong ng mga lalaki.

Ayon kay Maggie, kuha ito habang tinangka ng mga kalalakihan na arestuhin siya sa kanyang sariling pamamahay bandang alas diyes ng gabi.

Nasa ibang bansa ngayon si Maggie kaya hindi nila ito natiyempuhan.

Ang nadatnan lamang daw ng mga ito ay ang kapatid na babae ni Maggie, ilang kasambahay, at isang kaibigan.

Sabi ni Maggie sa inilabas niyang pahayag, sana ay sinigurado ng “authorities”  na tamang tao ang binasahan nila ng Miranda rights at aarestuhin.

Ang Miranda doctrine ay ang pagbasa sa harap ng taong aarestuhin ng karapatan nitong magkaroon ng abogado at pinaaalalahanang manahimik dahil maaaring gamitin laban sa kanya ang anumang sasabihin niya.

Sabi ni Maggie sa kanyang post: “Dear Authorities,

“If you are going to come to my house in Manila at 10pm at night, make sure that before you read out the persons rights that you are arresting the correct person.

“You then came back again an hour later. This time, there were more of you (about 30). You threatened to break down the door and arrest my sister (she showed I.D.), staff and friend if they weren’t let in.”

Dagdag pa ni Maggie, may isa sa mga kalalakihan ang nagpakilala umanong abogado ng “complainant” ngunit ayaw sabihin ang pagkakakilanlan nito.

Wala mang pinangalanang tao, malinaw na ang tinutukoy na “complainant” ni Maggie ay ang estranged husband nitong si Victor Consunji. 

Meron din daw search warrant ang “authorities” pero nang hingin ang kopya ay wala umano silang naipakita.

Aniya, “One of you claimed to be a lawyer of the complainant but wouldn’t identify himself. You claimed to have a search warrant but wouldn’t show or produce one.

“I saw you shaking because of your frustration in the video. I also heard how you obnoxiously berated my sister. You yelled at her and called her a liar. I heard and recorded every single word you said.”

“YOU ARE DISTURBING THE PEACE”

Dagdag pa ni Maggie, habang isinusulat niya ang kanyang post ay nananatili pa rin sa labas ng bahay ang “officers” at naiistorbo na raw ng mga ito ang kanilang mga kapitbahay.

Mali raw ang source ng mga ito dahil wala naman siya sa Pilipinas.

Saad ng former Bb. Pilipinas-World titleholder, “It’s almost midday in Manila. You still have officers and vehicles stationed outside the house. You are disturbing the peace in the neighbourhood and continue to harass me, my family and staff.

“It’s a good thing my sister stood her ground and has a sense of humour about this whole debacle.

“Whoever your ‘reliable’ source is, is NOT reliable and is embarrassing ALL of you.

“Whoever it is, you should charge him/her for wasting the authorities time.

“Ladies and Gents, PHILIPPINES!”

Pakiusap pa niya sa nasa kapangyarihan: “Make better use of your time catching real criminals and not getting involved in trivial matters between a husband and wife.

“SMH (shaking my head).”

TIM CONNOR

To the rescue naman kay Maggie ang kanyang business partner na si Tim Jayankura Na Ayudha, na kilala rin sa pangalang Tim Connor.

Biro ni Tim, sinabihan na niya ang kanyang team dito sa Maynila na maghanda ng meryenda para sa mga awtoridad na sumalakay sa bahay ni Maggie.

Ipinahiya umano ng “source” ang hindi niya tinukoy na tao at maghihintay ito nang matagal.

Sabi ni Tim sa kanyang Instagram Story ngayong araw din, “In the spirit of British/Thai and Filipino culture, I have asked the Manila team to bring out cups of tea, some traditional Thai food, and pandesol to make your stays while camping outside @wilsonmaggie house more comfortable.

“All I can say is your source is completely embarrassing you and you are going to be waiting a long long time….

“Don’t be impatient please… 30 people even for me is a lot of cooking time…”

Malayu-layo na ang itinakbo ng sigalot sa pagitan ni Maggie at sa estranged husband nitong si Victor.

September 2021, inanunsiyo ni Maggie at ni Victor ang kanilang desisyong maghiwalay matapos ang halos labing-isang (11) taong pagsasama bilang mag-asawa.

Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation

Kasunod nito, ang diumano’y pagpapalayas ni Victor kay Maggie sa kanyang tinitirhan sa Taguig.

Read: Maggie Wilson appeals for help after estranged husband Victor Consunji allegedly kicked her out of her house

Ilang araw matapos nito, lumabas ang dokumento na nagsasaad na sinampahan si Maggie, kasama ng business partner nitong si Tim, ng adultery o pakikiapid.

Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji

Mariing itinanggi ni Tim na meron silang relasyon ni Maggie at tinawag na basura ang reklamong isinampa sa kanila.

Read: Tim Connor reacts to “rubbish accusations” against him and Maggie Wilson

Ibinunyag naman ni Maggie sa isang post na possible pa siyang sampahan ng dagdag na kaso ng kanyang estranged husband.

Read: Maggie Wilson reveals “further legal cases” filed against her by estranged husband Victor Consunji

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes