Dina Bonnevie recalls May Bukas Pa fans threatened her with armalite, umbrella: "Lintek naman, dahil lang sa role mamamatay pa ako."

Dina Bonnevie recalls May Bukas Pa fans threatened her with armalite, umbrella: “Lintek naman, dahil lang sa role mamamatay pa ako.”

Inalala ni Dina Bonnevie ang mga karanasan niya noon na tinutukan siya ng baril at hinampas ng payong ng fans dahil lamang sa kanyang pagiging kontrabida.

Kuwinento ito ni Dina kay Ogie Diaz sa episode ng vlog ng reporter/talent manager/vlogger ngayong araw, February 8, 2023.

Nang dahil sa kanyang “evil” role as Malena Rodriguez-Rodrigo sa defunct ABS-CBN series na May Bukas Pa, napagdiskitahan siya ng viewers ng show kahit saan man siya nagpunta.

Ang May Bukas Pa ay ang prime-time teleserye ng ABS-CBN na umere mula February 2009 hanggang February 2010.

Ang bida ng serye ay si Zaijian Jaranilla bilang si Santino na inapi-api ng karakter ni Dina na si Malena. Kasama rin si Ogie sa serye bilang si Atong.

Pagbabalik-tanaw ni Dina: “Alam mo ba na napalo na ako ng payong? Pinaghahampas ako.

“I went to Davao, one time. Basta meron kaming something, it was about… basta sa telecoms to. It had nothing to do with showbusiness. Kumbaga, sa telecoms business ko.

“Landing ako sa Davao, biglang sabi nung parang may guard dun sa airport. ‘Ikaw ba si Malena?’ Sabi ko, ‘Huh? Malena? A, oo yung role ko po, opo ako po yun.’

“’Langya ka,’ tinutukan ako ng baril, ‘Pati bata pinapatulan mo.’ Sabi ko, ‘Chief, chief, sandali, role lang po yun.’

“Armalite yun, ha. Sabi ko, ‘Lintek naman dahil lang sa role mamamatay pa ako.’”

Ayon pa kay Dina, bigla siyang natakot sa scenario kung tinutoo ang pananakot sa kanya.

Aniya, “Hindi pa tapos yung nerbiyos ko. Sabi ko, ‘My God, dito pa mababalitang,’ ‘Kasalukuyang may namatay na isang artista diumano na nabaril sa airport dahil sa kanyang role.’ Baka yun ang nasa radyo.”

Pero hindi pa dito nagtapos ang nerbiyos na naramdaman ni Dina. Nasundan pa raw ito nang panghahampas naman ng payong sa kanya sa isang mall.

Kuwento pa niya: “Hindi pa tapos ang nerbiyos ko dun. Pagdating ko sa mall, kasi I was buying something for my hair na ilalagay na accent.

“Yung isang matanda nakita ako. Sabi niya, ‘Di ba ikaw yung nasa TV?’

“Sabi ko, ‘Opo.’ Akala ko naman magiging sweet siya sa akin. Pinagpapalo ako ng payong. Sabi ko, ‘Sandali lang po, sandali lang po! Bakit po?’

“Tapos kinawit niya ako ng payong, kinawit niya ako dito sa arm, ‘Halika dito! Walanghiya ka! Kawawa si Santino sa yo.’ Sabi ko, ‘Naku, Lola, role lang po yun.’

“Hanggang sa dumating yung security guard. Sabi ko, ‘My god, ayoko na mag-evil role.’”

Akala raw kasi ng tao super sama ng ugali niya talaga.

Saad ni Dina, “You can get killed, a.”

Natuwa ba siya na nasasabi ng tao na napaka-effective niya sa kanyang mga kontrabida roles?

Dagdag niya, “Well, ang nakakatuwa nga dun, if people start to hate you ibig sabihin, you’re an effective kontrabida.”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes