Former Kapuso host Kiko Rustia weighs in on Willie Revillame's rant: "Wow. Sya pa ang inapi?"

Former Kapuso host Kiko Rustia weighs in on Willie Revillame’s rant: “Wow. Sya pa ang inapi?”

Malaman ang mga pahayag na pinakawalan ni Kiko Rustia laban sa controversial Wowowin host na si Willie Revillame.

Si Kiko ay nakilala bilang showbiz personality sa GMA-7. Dati siyang contender sa reality show na Survivor Philippines, at naging host ng travel docu show na Born To Be Wild.

Siya ay kasalukuyang konsehal sa Pasig City, at isa sa personalities na naghayag ng opinyon tungkol sa isyu sangkot si Willie. 

Ngayong Miyerkules, February 8, 2023, nag-comment si Kiko sa IG post ng isang entertainment vlog na nagbahagi ng litanya ni Willie tungkol sa showbiz personalities at iba pang taong tinulungan niya noon, pero tinitira at inaapi raw siya ngayon.

Komento ni Kiko laban kay Willie (published as is): “Wow. Sya pa ang inapi? This reaction actually says more about who he really is.

“Instead of humility and being sorry about his shortcomings, eto pa makukuha natin.”

Sa sunud-sunod na tweets, ngayon ding Miyerkules, mas nilinaw ni Kiko ang saloobin niya sa isyu. 

Hindi na raw sana isinumbat pa ni Willie ang pagtulong nito sa kapwa.

Tweet ni Kiko (published as is): “Instead of humility and being sorry for his shortcomings and faults…sya pa ang nag banta at nanumbat. Thats a whole new level right there.

“Eto ba yung tunay na tao na nakatago sa likod ng mukhang pinapakita kapag ‘tumutulong’ at ‘nagpapasya’?

Ipinunto rin ni Kiko na si Willie ay umasenso at naging matagumpany sa kanyang larangan dahil sa suporta ng publiko.

Tweet pa ni Kiko: “Sorry, but no one owes you anything. Ang pagtulong ay kailan man hindi sinusumbat.

“Pero kung tutuusin, it is you who owes everyone EVERYTHING for helping you become the rich, influential, and powerful man that you are today.

“Best take time to reflect and check yourself.”

May tweets din si Kiko kunsaan kinuwestiyon niya ang animo’y panunumbat ni Willie sa publiko na nabigyan nito ng tulong at pagkatapos ay babatikusin siya. 

Tingnan daw muna ni Willie ang sarili dahil wala raw itong nagawa noong panahong nagsara ang ABS-CBN, na dating home network ni Willie. 

WILLIE’S RANT AGAINST PEOPLE CRITICIZING HIM

Ang tweets ni Kiko ay kaugnay ng Wowowin episode nitong February 7, 2023. 

Sa live telecast ng show, naghayag si Willie ng tirada laban sa showbiz personalities at mga kritiko na bumabatikos sa kanya ngayon.

Pinuna rin ni Willie ang publikong kontra sa kanya gayong marami raw siyang nagawang tulong sa pamamagitan ng kanyang programa.

Singhal pa ni Willie, “Tumingin kayo sa inutangan niyo ng utang na loob dahil ako, marunong ako [tumanaw] ng utang na loob.”

Nag-ugat ang isyu sa napabalitang pansamantalang pamamaalam ng ilan pang programa ng ALLTV, kabilang umano ang Wowowin na ilang buwan pa lang nagsimulang umere  sa nasabing network.

Ang ALLTV, na unang nakilala bilang All Media Broadcasting System (AMBS), ay TV station na pagmamay-ari ni former Senate President Manny Villar. Ipinagkaloob ng National Telecommunications sa ALLTV ang Channel 2 frequency na dati ay gamit ng ABS-CBN. 

Sinasabi ng mga kritiko ni Willie na kinakarma umano siya ngayon, at iniugnay ang kanyang pangalan sa pagkawala ng ABS-CBN sa himpapawid.

WILLIE’S CLARIFICATION about abs-cbn, wowowin

Sa Wowowin episode noon ding February 7, umalma si Willie sa mga nagsasabing isa siya sa mga nagnais na maipasara ang ABS-CBN. 

Nilinaw ni Willie na spliced ang nag-viral na video clip ng interbyu niya kay former Secretary Harry Roque noong May 27, 2020. 

Sa spliced video, natatawang humirit si Roque na si Willie raw ang “may kagagawan” kaya nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN. 

Makikita sa spliced video na natawa si Willie, at marami sa netizens na nakapanood nito ang nagsabing kinakarma umano ngayon ang Wowowin host. 

Kung babalikan naman ang full video, sumeryoso noon si Willie at sinabi kay Roque na huwag siyang idawit sa franchise issue ng ABS-CBN dahil malaki ang utang na loob niya sa former home network. 

Read: Willie Revillame defends ABS-CBN from Harry Roque shutdown joke

Sa present episode ng Wowowin, sabi niya sa bumatikos sa kanya dahil sa spliced video: “Sinisiraan ninyo ako, yung interbyu ko kay Secretary Harry Roque, in-edit out niyo.

“E, nung time na yon, hindi ko puwedeng sabihin na isasara ang ABS-CBN.

“Wala akong sinabi na isara! Tumatawa ako? Ang ginawa niyo, in-edit out niyo. Sinisiraan ninyo ang pagkatao ko!”

Nilinaw din ni Willie na walang katotohanan na titigil ang pag-ere ng Wowowin

Sabi pa niya, totoong pansamantalang mamamahinga ang ilang shows ng ALLTV, pero babalik din pag naayos na ang signal ng istasyon.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes