Married "uncle" nagladlad sa edad na 38; happy siya sa kanyang boylet

Married “uncle” nagladlad sa edad na 38; happy siya sa kanyang boylet

Nag-viral sa China ang video tungkol sa isang lalaking nagladlad.

Tinawag siya bilang “Little Uncle.”

Thirty-eight years old ito nang nag-come out noong bisperas ng Lunar New Year, January 21, 2023, sa harap mismo ng kanyang pamilya.

Ang video ay unang nai-post last January 23 sa Bilibili, isang Chinese video-sharing platform.

Naiulat naman ng South China Morning Post ang story last February 6.

Read also: TikTok star sobrang nakatipid dahil sa pakikipag-date: ‘PHP8,160.07 a week’

GAY SI LITTLE UNCLE, LESBIAN SI MISIS

Lumabas na ang misis ni Little Uncle ay isang lesbian.

Sa video, na kinunan sa isang maliit na bayan sa Sichuan province na southwestern part ng China, makikita si Little Uncle na naka-white jumper at napuwesto sa pagitan ng dalawa niyang kapatid na lalaki at isang kapatid na babae.

Inamin niya sa mga ito na isa siyang gay.

Hindi rin aniya straight ang kanyang misis. Isa itong lesbian.

Sinabi rin niyang ang kanilang marriage ay isang malaking pagpapanggap.

Read also: TRENDING: Boyfriend siningil ang girlfriend sa half ng presyo ng engagement ring

POSITIVE REACTIONS

Matapos ang rebelasyon ni Little Uncle, bulalas ng isa niyang kapatid na lalaki, translated in English, “Nowadays, society is moving so fast that sometimes we are afraid we won’t be able to accept it.

“But now you are the one who has helped us turn a new page!”

Nakakuha ang video ng overwhelmingly positive reactions.

Mayroon na itong mahigit 2 million views.

Magaganda rin ang komento ng netizens

Kalimitang mababasa ang “So cute!” na komento ng mga nakapanood sa inset bulletin comment box ng video.

“That’s great! A real Happy New Year!” komento pa ng ibang viewers.

Read also: Inayawan ng dyowa dahil “cleaner” lang ang work, ang sinayang noon ay Chief Executive Officer na ngayon

MAY BF NA SI LITTLE UNCLE

Ang nag-upload ng video ay ang 20-year-old na pamangking babae ni Little Uncle.

Sa isa pang video na ini-upload ng pamangkin ay binanggit niya at ipinaliwanag ang mga sirkumstansiya na kaakibat nang paglaladlad ng kanyang tiyuhin.

Aniya, sadyang itinaon ni Little Uncle ang pagsisiwalat ng katotohanan sa sekswalidad nito ngayong 2023 dahil “in a relationship” na ito sa isang lalaki.

Maganda aniya ang relasyon ng kanyang uncle sa boylet nito, kaya gusto nitong malaman kung thumb’s up or thumb’s down sa kanyang pamilya ang tunay nitong pagkatao.

Ayon pa sa pamangkin, malaki ang kanilang pamilya, at masaya lahat ng miyembro para sa kanyang uncle.

Para aniya silang Chinese version ng American sitcom na Modern Family, na tungkol sa masayang kuwento ng isang malaking American family na mayroon ding gay brother.

Nasorpresa naman umano ang pamangkin sa pagiging open-minded at palaban ng mga middle-aged members ng kanilang pamilya.

Read also: Kakaibang threesome: Mag-dyowa, ka-live in din ang best friend ni guy

 GAY RELATIONSHIPs SA CHINA

Ang same-sex marriage ay illegal sa China.

Sa katunayan, bago nag-2001, ang homosexuality ayon sa Chinese Classification of Mental Disorders ay itinuturig noon na isang “sexual disorder.”

Ayon sa survey na isinagawa ng public journal na BMC Public Health noong 2020, bagamat mas friendly na ang pakikitungo ng heterosexuals sa mga miyembro ng “LGBT community, napaka-“severe” pa rin daw ang “self-perceived discrimimation” mula sa pamilya at pagdating sa social services.

Samantala, naging tampok naman ng talakayan ang coming out video ni Little Uncle sa social media ng China.

Sa comments section ng video, maraming LGBT individuals ang nagbahagi ng kanilang kuwento.

Saad ng isa, “When I went back for Lunar New Year this year, my uncle seemed to notice I was gay and suddenly said, ‘Are you still going to marry a woman?’

“At that moment, I just wanted to run away. I don’t want to be forced to come out because I am not financially independent yet.”

Pahayag naman ng isang internet observer, “What a very good family atmosphere.

“I’ve been out of the closet for four or five years now, and I’m only at the stage where my parents are reluctantly accepting it and not ready to tell the rest of the family.”

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes