OFW na first-time lotto bettor sa Dubai wins PHP223M: "Paggising mo iba na yung buhay mo."

OFW na first-time lotto bettor sa Dubai wins PHP223M: “Paggising mo iba na yung buhay mo.”

Sino ang nagsabing malas ang Friday the 13th?

Pinatunayan ng overseas Filipino worker (OFW) na si Russel Reyes Tuazon, 34, na walang katotohanan ito.

Si Russel na nagtatrabaho bilang isang store manager sa Dubai, United Arab Emirates (UAE), ay nanalo ng 15 million Dirhams o katumbas ng PHP223 million noong January 13, 2023, Biyernes.

Pero hindi 13 kundi 15 ang kinukunsiderang lucky number ni Russel, kasi 15 taon na siya sa Dubai, 15 Dirhams (PHP223) ang halaga ng lottery ticket, at 15 million Dirhams ang jackpot o tumataginting na PHP223 million.

Pinaka-unang taya niya ito sa Dubai.

At kahit noong nasa Pilipinas daw siya ay ilang beses lang siya tumaya sa lotto.

Read: 

  • Four OFWs are lottery millionaires in Dubai; delivery rider wins PHP13M jackpot
  • OFW in UAE wins PHP136 million in lottery

Ang winning combination ay 6-29-34-17-25-22.

Paano naman niya pinili ang winning numbers?

Ang 6 ay buwan ng kanyang birthday; 29 ay araw ng kanyang kaarawan; 34 ang edad niya; 17 ang edad ng kanyang anak; 25 ay birthday ng kapatid na babae; 22 ay birthday ng kanyang nanay, ayon sa panayam niya sa The Filipino Times.

Sabi ni Russel tumaya siya noong umaga sa mismong araw ng draw, January 13, kuwento niya sa ABS-CBN TeleRadyo.

Paggising niya kinaumagahan, nakatanggap siya ng tawag at inabisuhang nanalo siya sa lotto.

Hindi raw makapaniwala si Russel.

“Paggising mo iba na yung buhay mo. Nag-rotate na ng 360 degrees. Iba na,” nangingiti niyang kuwento.

Taong 2008 nang pumunta sa Dubai ang noon ay 19 anyos na si Russel. Sinundan niya roon ang kanyang kuya sa pag-asang mabigyan nang maayos na buhay ang kanilang mga magulang.

Nagsimula siya sa housekeeping at sa napakababang sahod.

Nagkaroon siya ng experience sa stewarding at dahil nakitaan ng potensiyal na mag-handle ng tao ay na-promote kalaunan.

RUSSEL’S PLANS ON HIS WINNINGS

Ani Russel, wala pa siyang balak umuwi dahil kailangan niyang asikasuhin ang trabaho sa Dubai.

Hindi naman daw siya kabado sa kanyang seguridad sa Dubai.

“Wala pong security issue sa Dubai. Wala pong problema. Napakaganda po ng security,” ani Russel na sinabing buo rin niyang nakuha ang cash prize.

Nang usisain kung ano ang balak niyang gawin sa kanyang napanalunan, sinabi ni Russel na pinag-iisipan niya kung paano ito palalaguin.

“Mahirap ho mag-invest ng puro materyal kasi ang materyal, nawawala po iyan instantly.

“So mas maganda po na pag-isipan nang maigi at palaguin yung perang biyaya, kung puwedeng doblehin o triplehin, mas maganda po,” aniya sa Kapamilya TeleRadyo. 

Sabi naman niya sa GMA News, ang prayoridad niyang aasikasuhin ay educational plan ng kanyang anak, insurance ng kanyang mag-ina, sariling negosyo ng ama, at makapagpatayo ng bahay.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes