Pen Medina reveals Coco Martin's financial assistance; Coco reacts

Pen Medina reveals Coco Martin’s financial assistance; Coco reacts

Hindi napigilang maging emosyunal ng beteranong aktor na si Pen Medina nang alalahanin kung paano siya tinulungan at binigyang pag-asa ng actor-director na si Coco Martin.

Sa grand mediacon ng FPJ’s Batang Quiapo nitong Martes, February 7, 2023, personal na pinasalamatan ni Pen si Coco sa financial assistance na ibinigay nito sa kanya noong siya’y sumailalim sa matinding operasyon.

Matatandaang noong July 16, 2022, umapela ng tulong sa publiko ang mga anak ni Pen matapos nitong ma-ospital dahil sa Degenerative Disc Disease (DDD).

Ayon sa medicalnewstoday.com, ang DDD ay isang “age-related condition” kung saan “one or more of the discs between the vertebrae of the spinal column deteriorates or breaks down, leading to pain.”

July 23, 2022 nang sumailalim ang 71-year-old actor sa isang spine surgery at kinailangan nila ng malaking halaga sa kanyang gastusing pangmedikal.

Read: Pen Medina to undergo spine surgery; his children appeal for donations

Ayon kay Pen, isa si Coco sa mga taong hindi nag-atubiling tumulong sa kanya.

“Napakalaki po ng pasasalamat ko dahil yun nga po naospital ako, naoperahan. Napakatindi po ng aking [pinagdaanan],” kuwento ni Pen. 

“Ayon pong pagpapaospital ko, naoperahan ako sa spine, pinakamatindi pong tumulong sa akin si Coco.

“Kaya po noong lumabas ako as early as August, nagpasalamat ako sa kanya.

“Tinext ko siya, para magpasalamat nang personal aside from my post na pang general sa lahat ng tumulong at nagdasal.”

Hindi raw niya sukat akalain na may plano rin palang kunin siya sa bagong teleserye nitong FPJ’s Batang Quiapo.

Gaganap si Pen bilang tatay ni Lovi Poe sa serye.

Paglalahad pa ni Pen, “Alam ko na alam niya [Coco] na kailangan kong bumangon pa, kagaya ng ginagawa niyang pagtulong sa napakaraming mga walang trabahong artista.

“Sabi niya sa akin ‘Tito Pen, kaya mo na ba? Malakas ka na ba? Mag-taping tayo para hindi ka mainip sa bahay.’

“Ganon lang kasimple, kaya tuwang-tuwa po ako, napakalaking bagay po ito sa akin at sa aking pamilya.”

Ang dalawa pang anak ni Pen na sina Karl Medina at Ping Medina ay kinuha rin ni Coco, kaya ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa aktor.

Mensahe ni Pen kay Coco,”Kaya I love you, yun lang masasabi ko, I love you Coco, napakalaki ng utang na loob ko sa iyo.”

Read: Karl Medina, hindi inasahan ang dagsa ng donasyon para sa amang si Pen

coco martin’s humble beginnings

Ayon naman kay Coco, naranasan din niya noon na walang-wala kaya raw hindi niya maatim na hindi tumulong lalo na’t alam niyang kailangang-kailangan.

Aniya, “Kasi nagsimula rin talaga ako sa wala. Sabi ko nga dati, ano lang ako extra, naranasan ko first acting experience ko minura ako ng direktor tapos pinapapalitan ako. Mahirap yung pinagdaanan ko bago ako maging ganap na artista talaga.

“Tapos hindi man totally na artista yung pangarap ko kundi normal lang na trabaho pero ang hirap ng oportunidad.

“Naranasan ko dati kahit nag e-extra ka na, merong six months na wala, yung nag indie films ako naranasan ko na two thousand lang yung binayad sa akin, pero ako ang bida sa buong pelikula.

“Kumbaga, talagang gapang tapos ang lagi ko noong hinihintay ay oportunidad.”

COCO MARTIN: “NASA KAMAY KO NA TUMULONG, BAKIT KO IPAGKAKAIT?”

Ibinabalik lang daw niya ang oportunidad na ibinigay sa kanya noon na naging dahilan kung nasaan siya ngayon.

Sabi niya, “Ngayon na kahit papaano may pagkakataon ka, nasa kamay ko na tumulong, bakit ko ipagkakait?

“E, kasi ayan yung hinihintay ko dati, para mabuhay ko yung pamilya ko. Kaya kapag nakikita ko yung mga tao na kung pupuwede kong tulungan at nakikita kong deserving, bakit hindi?

“Bakit ko papahirapan pa, kasi ang binibigay ko naman sa kanila trabaho, hindi naman manggagaling sa bulsa ko [yung papasahod].

“Pero isa lang yung hinahanap ko sa kanila, yung commitment, dedication, at pagiging propesyonal, yun lang.”

Read: Pen Medina’s spinal surgery a success, but asks for more prayers

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes