Guwapo at matipunong Kapamilya actor, nakikipag-negotiate na sa GMA-7
GORGY RULA
Pagkatapos ng pinag-uusapang pagiging Kapuso ni Matteo Guidicelli, may narinig kaming nakikipagnegosasyon din daw ngayon ang management team ng guwapo at matipunong Kapamilya actor sa GMA-7.
Kapag okay na okay na raw ito, itong si aktor na raw ang magiging leading man ng isang A-List actress ng GMA-7 na inaayos na rin ang pagbabalik-teleserye. Maganda silang kumbinasyon kapag natuloy ito.
Pero may isa pang nasagap na kuwento ang PEP Troika tungkol kay guwapo at matipunong aktor. Inaayos na rin daw ang kasal nila ni sikat na byuting female celebrity.
Sabi ng aming source, nag-propose na si aktor kay female celebrity at pinaplano na ang kasal.
Hindi lang daw sila sure kung early next year o late this year ang kasal, pero inaayos na raw ang prenup pictorial na gagawin sa La Union. Abang-abangan na lang daw natin dahil isi-share nila ito sa kanilang supporters kapag kasado na ang lahat.
JERRY OLEA
Meow! Meow!
Ang naulinigan ng PEP Troika, makakasama raw si Matteo sa Unang Hirit kaya ang ang GMA Public Affairs ang nakipag-negotiate.
May gagawin din daw si Matteo na pelikulang ipu-produce ng GMA Public Affairs. So, wala na iyong Pedro Penduko remake na pagbibidahan sana ni Matteo sa Viva Films?
Read: Matteo Guidicelli doesn’t mind being second choice to James Reid for Penduko
Tungkol naman sa guwapo at matipunong Kapamilya actor, some time last year pa umugong ang posibleng pag-over da bakod niya sa Kapuso Network.
Some things never last, but some are also meant forever.
NOEL FERRER
Sana, mahanap na ni Matteo ang kanyang puwang sa ating industriya finally — kung singer, aktor o host.
Kasi, di ba, nanggaling din siya sa GMA noon at alam ko, kasama siya sa Sunday show nila noon at may boy group pa nga rin silang nagsi-sing and dance.
Ok din ang pelikula! At least he gets to play various roles, and hindi ba napansin siya noon noong nag-off beat role siya?
Oh well, Unang Hirit might help him to wet his feet as a host. Baka doon din siya mahasa nang todo. But we know that News and Public Affairs shows don’t pay mega bucks in general.
And I hope pasok si Matteo sa mukhang pagpapabata ng mga present crop at mix ng Unang Hirit. We shall wait and see!!!