Miguel Tanfelix admits dating Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara in the past; currently courting Ysabel Ortega
Kumpirmadong naging kasintahan ni Miguel Tanfelix ang kapwa niya Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Bianca Umali, at Kyline Alcantara.
Inamin ito ni Miguel sa panayam niya kay Boy Abunda sa live episode ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes ng hapon, February 9, 2023.
Matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa upcoming primetime series ni Miguel na Voltes V: Legacy, inilabas ni Boy ang tila photo book na naglalaman daw ng mga litratong may kinalaman sa 24-year-old actor.
Unang ipinakita ni Boy ang litrato ni Barbie.
Tanong ni Boy, “Alam ko na in my research, walang admission na nagligaw and etc. Ngayon na you have a chance, niligawan mo ba siya?”
Mabilis na sagot ni Miguel, “Yes, Tito Boy. Pini-post ko po siya dati.”
Sundot na tanong ni Boy, “Pero sinagot ka ba, naging kayo ba?”
Pag-amin ni Miguel, “Naging kami po.
“Naaalala ko po dati bumibisita po ako sa set nila. Pinu-post ko po iyon tapos yung caption ko, ‘bumisita ako,’ ganun.”
Sunod na tanong ni Boy, “Gaano [kayo] katagal?”
Nagdadalawang-isip na sagot ni Miguel, “Hindi ko na maalala, Tito Boy.”
Ayon pa kay Miguel, pagdalaw talaga sa set ang naging daan niya noon para ligawan si Barbie.
Kuwento niya, “Kasi hindi po kami magkasama ng show dati. I was doing Niño [2014] back then, tapos iba po yung show niya.
“Kapag may taping po siya, pinupuntahan ko, nagdadala po ako ng pagkain.
“Kapag malapit po yung set nila sa Cavite, kasi taga-Cavite po ako, pinupuntahan ko [siya].”
Maging ang staff na nasa studio ng Fast Talk with Boy Abunda ay tila nagulat t kinilig sa rebelasyon ni Miguel.
Pero sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong October 2014, itinanggi ni Miguel na may relasyon sila ni Barbie kahit kapansin-pansin na ang pagiging close nila sa isa’t isa.
Read: Miguel Tanfelix denies romantic link to Barbie Forteza: “Crush ko po siya pero marami po akong crush.”
Aniya noon, crush lamang niya ang aktres at magkaibigan lamang sila.
Sabi ni Miguel, “Kami po ni Barbie, una po kaming nagkasama sa Paroa [2012-2013].
“Doon pa lang po, parang naging close po kami.
“Hanggang ngayon, magkaibigan pa rin po kami ni Barbie.”
Niligawan niya ba si Barbie?
Aniya, “Yun nga po, sa Paroa, naging sweet lang kami sa isa’t isa.
“Pero hanggang doon lang po. Crush lang po. Pero marami naman po akong crush.”
Read: Miguel Tanfelix explains closeness with Barbie Forteza
MIGUEL-BIANCA
Sumunod na ipinakita ang litrato ni Bianca Umali.
Nnaging sila ba ni Bianca?
Mabilis na sagot ni Miguel, “Yes, Tito, naging kami po ni Bianca.”
Inusisa rin ni Boy ang tungkol sa cryptic tweet noon ni Bianca tungkol sa “ahas.” Tinanog niya si Miguel kung may kinalaman ba si Kyline kung kaya’t nagkalabuan sila at tuluyang nagkahiwalay ni Bianca.
Read: Bianca Umali cryptic tweets about Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara?
Maingat na sagot ng binata, “Siguro, Tito Boy, yung dahilan ng hiwalayan namin, huwag na tayo magdamay ng ibang tao. Parang irespeto natin yung ibang tao.
“Siguro yung sa isyu na lang po namin ni Bianca.”
Ayon kay Miguel, magkaibigan sila ngayon ni Bianca kahit hindi naging maganda ang relasyon nila noon.
Si Bianca ang bukod-tanging isinapubliko ni Miguel na kanyang niligawan noon. Pormal niyang hiningi ang basbas ng pamilya ng dlaga sa mismong 18th birthday nito noong March 2018.
Read: Miguel Tanfelix officially asks Bianca Umali to be his girlfriend
MIGUEL-KYLINE
Kasunod na larawan na ipinakita ni Boy ay kay Kyline Alcantara.
“We had something special before,” sabi ni Miguel nang tanungin kung naging sila rin ni Kyline.
Paglilinaw ni Boy, “You had something special which means oo o hindi?”
Tugon ng Voltes V: Legacy actor, “Yes.”
Pagbabahagi ni Miguel, lagi silang magkasama ni Kyline sa All Out Sundays kaya’t naging komportable sila sa isa’t isa hanggang sa humantong iyo sa ligawan.
Magkaibigan ba sila ni Kyline katulad ng pagkakaibigan nila ngayon ni Bianca?
“Ako, Tito Boy, okay ako sa kanya,” sabi ni Miguel.
Hirit ni Boy, “Which means, siya maaaring hindi?”
Natatawang sagot ng aktor, “Hindi ko po alam!”
Hiling daw ni Miguel na maging maayos sila ni Kyline kung may galit man ito sa kanya ngayon dahil maayos naman daw ang kanilang naging breakup.
MIGUEL-YSABEL
Sa kasalukuyan ay pare-pareho nang masaya sina Barbie, Bianca, at Kyline sa kani-kanilang love life.
Si Barbie ay matagal nang karelasyon si Jak Roberto; si Bianca ay boyfriend si Ruru Madrid; at si Kyline naman ay girlfriend na ni Mavy Legaspi.
Sa kaso ni Miguel, nauugnay siya ngayon sa co-star niya sa Voltes V: Legacy na si Ysabel Ortega.
Ayon kay Miguel, hindi pa sila ni Ysabel ngunit kasalukuyan niyang nililigawan ang aktres kasabay ng panliligaw rin niya sa ina nitong si Michelle Ortega-Pimentel.
Aniya, “Kailangan po kasi nating sundin yung nanay ni Ysabel, medyo strict po si Tita. Respeto din po sa desisyon niya sa anak niya, dahil kahit papaano kailangan din pong ligawan yung magulang ng nililigawan mo.
“Nililigawan ko po silang dalawa. Nililigawan ko po si Ysabel at yung nanay niya po.”
Read: Ina ni Ysabel Ortega, kinumpirmang nanliligaw sa anak si Miguel Tanfelix
Ayon pa kay Miguel, gusto niyang mag-focus si Ysabel sa kurso nitong law, kaya’t handa raw siyang maghintay hanggang sa maging okay na ang lahat at makatapos ito sa pag-aaral.
Malaking bagay raw na mayroong Ysabel sa buhay niya dahil suportado siya nito sa kahit anong bagay.
Sa huli, may mensahe at pangako si Miguel sa Mommy Michelle ni Ysabel.
Sabi niya, “Tita, pinapangako ko po na aalagaan ko po si Ysabel. Huwag po kayong mag-alala, pinagdadaanan po namin yung bawat steps na kailangan naming pagdaanan para makilala namin yung isa’t isa.
“Never po akong magiging distraction sa anak niyo dahil alam ko po na gusto niyo siyang maging attorney in the future.
“Nandito lang po ako naghihintay para sa approval niyo po and para kay Ysabel.”
Dagdag pa ni Miguel: “Mahal na mahal ko po [si Ysabel].”
Read: Ysabel Ortega sa estado ng relasyon nila ni Miguel Tanfelix: “We’re just enjoying the moment.”