Paolo Contis, nagsalita tungkol sa viral TikTok post kunsaan binash si Yen Santos
GORGY RULA:
Nagulat si Yen Santos nang nakarating sa kanya ang balitang nag-viral ang TikTok post ng dati niyang fitness coach na si Coach Flex.
Ngayon lang daw niya nalamang pinag-usapan pala ng netizens ang video na iyun na ipinost sa Tiktok at nag-viral pa.
Tinanong ng PEP Troika si Paolo Contis kung aware ba siya sa TikTok post na iyun ng fitness coach ni Yen.
Hindi raw niya alam, kaya tinanong niya ang aktres. Sabi raw ni Yen, matagal na siyang hindi nag-e-ensayo.
Ang tantiya raw niya, four years ago pa ang kuhang iyun, na maaring ini-repost lang nitong Coach Flex.
Gusto sana naming itanong kay Yen kung may pinaghahandaan ba siyang project kaya todo siya ngayon sa pag-eensayo sa gym.
Wala naman daw ganun, sabi ni Paolo, dahil matagal na ngang kuha iyun.
“Normal naman mag-repost. Pero para ilagay sa caption na 2023, parang mali,” text ni Paolo sa PEP Troika.
At least, napansin ang TikTok account nitong si Coach Flex, kahit ang luma na pala nung kuhang iyun ni Yen Santos.
Kung babalikan ang TikTok post, tila updated na ang caption nito dahil burado na ang salitang “2023.”
Pero ang kapansin-pansin sa post ay kung anu-anong masasamang komento na naman ang ibinabato kay Yen gawa ng relasyon nila ni Paolo.
Hindi naman nasabi kung ano ang reaksyon ng magkasintahan sa batikos ng netizens kay Yen.
- Paolo Contis finally admits relationship with Yen Santos; denies Yen as cause of his breakup with LJ Reyes
- Are Paolo Contis and LJ Reyes already on speaking terms?
NOEL FERRER:
Medyo nakakataka ngang ang caption ay “2023” kung four years ago pa pala iyung video na iyun.
Mano na lang bang bumusina o nagpasabi man lang si Coach sa subject ng kanyang video bago ipost iyun.
Oh well, ngayong may paglilinaw na sa kampo ni Yen, sana nakatulong sa Coach ang ginawa niyang ito.
Sana lang, naging maingat na lang muna ang mga nagko-comment sa post na iyun at iwas na sa pagne-nega kay Yen.
JERRY OLEA:
Mahirap gisingin ang mga taong nagtutulug-tulugan, ikanga.
Kahit masabihan pa ang ibang bashers and haters na luma na ang video ni Yen na pinost, malamang na dedma lang sila at paninindigan ang pagiging negatron.
Kaya hinay-hinay sana tayo sa pagko-comment, lalo pa kung mali ang context ng iha-hanash.
More hot stories on PEP.ph:
- Lanvin De Los Santos told “sayang” after losing La Salle scholarship; bags top 1 in board exam
- Marilag na artista, pumutok ang breast implant matapos aksidenteng nasubsob
- Judy Ann Santos reveals convo with ABS-CBN exec about her new non-Kapamilya series
- Willie Revillame hits back at celebrity critics: “Binigyan ko kayo ng tulong dati… tinitira niyo pa ako!”