Shaira Diaz, nawindang nang ilarawan siya ni David Licauco bilang “good kisser”
Muntik nang hindi tanggapin ni David Licauco ang karakter ni Fidel sa Maria Clara at Ibarra dahil gusto niya na ituon ang atensiyon sa kanyang mga negosyo.
Napilitan si David na tanggapin ang proyekto. Hindi naman siya nagkamali ng desisyon dahil napansin nang husto ang tambalan nila ni Barbie Forteza kaya isinilang ang FiLay loveteam.
Read: Maria Clara at Ibarra’s X factor: great storytelling, stellar cast, big-budget production
Tiyak nang masusundan ang pagsasama nina David at Barbie sa bagong proyekto ng GMA-7 dahil sa tagumpay ng love team nila.
Si David ang lead actor sa Without You, ang pelikulang pinagbibidahan nila ni Shaira Diaz at Valentine’s Day presentation ng OctoArts Films.
Sa ginanap na press conference ng Without You nitong Miyerkules ng tanghali, February 8, 20223, napag-usapan ang karakter na ginagampanan ni David sa Maria Clara at Ibarra dahil nagbukas ito ng mga bagong oportunidad sa kanya gaya ng sunud-sunod na mga product endorsement.
Pero buong pagpapakumbabang sinabi ng Kapuso heartthrob na naging masuwerte lamang siya.
Saad niya, “I feel like sinuwerte din ako na ako yung inilagay sa role ni Fidel. I think kahit na kung sinong artista, mapu-pull off yon and mapupunta sa situation ko ngayon. Nagkataon lang na sa akin po lumapit.”
Nang tanungin naman tungkol sa mga intimate scene nila ni Shaira sa Without You, sinabi ni David na hindi siya nagpaalam kay Edgar Allan Guzman, ang boyfriend ng kanyang leading lady, dahil para sa kanya, trabaho lamang ang lahat.
“Work is work, e. Kumbaga, pumasok ako sa movie or teleserye na trabaho ang nasa isip ko. It’s out of my duty,” sabi ni David.
Isinalarawan ng aktor si Shaira bilang “good kisser” na ikinagulat ng dalaga.
“First time na may nagsabi sa akin niyan,” reaksiyon ni Shaira, na nagsalita ring good kisser si David.
“Hindi ko alam” ang sagot ni Shaira nang usisain kung sino sa kanyang boyfriend at kay David ang mas mahusay humalik.
Dagdag pa ni Shaira, “Si David, ang sarap niya katrabaho at ang gaan niyang katrabaho. Siguro, isa yun sa mga reason kung bakit sa tingin namin, nagwo-work yung chemistry namin.
“And of course, nandoon na rin yung trust, so thankful kami sa opportunity na ibinibigay sa amin.”
Hindi naitago ang pagkawindang sa rebelasyon ni David na good kisser siya.