Ruffa Gutierrez clarifies she’s “network-friendly” amid news of ALLTV programs taking a break
Ipapalabas na ang pelikulang MoM ni Ruffa Gutierrez, habang magpapahinga muna ang TV program niyang M.O.Ms.
Sa Marso 1 na ang showing sa local cinemas ng Martyr or Murderer kung saan gumanap muli si Ruffa na Imelda Marcos.
Ang Mhies On a Mission nila nina Mariel Padilla at Ciara Sotto ay matitigil pansamantala gaya ng dalawa pang flagship program ng ALLTV na Wowowin at Toni.
Read: Ruffa Gutierrez, kinumpirmang magpu-pause muna ang ALLTV show nilang M.O.M.s
“They spoke to us and I believe it’s not a goodbye,” sabi ni Ruffa tungkol sa M.O.Ms nang makachikahan namin sa presscon ng MoM nitong Pebrero 9, 2023, Huwebes, sa The Podium, Mandaluyong City.
“It’s a ‘see you later.’ So, para sa akin, kinausap kami, ang sabi magpo-pause daw muna sila for a couple of months for them to fix their signal.
“So I think it’s internal, and para sa akin, that’s normal. That’s expected. If you’re launching a new business, a brand, what more a station, di ba you’re gonna through some phase.
“Hindi naman right away, magiging successful kaagad yon. So, hindi naman po ako may-ari ng istasyon, at hindi ko masasagot iyan, I think we should wait for the official announcement of AMBS and ALLTV.
“Basta ang masasabi ko lang, na para sa akin, I’m network-friendly. Number one, I’m a freelancer. I do have a contract with M.O.Ms, yung Mhies On A Mission.
“And napaka-grateful ko din sa mga Villars. Kasi kahit nag-pause kami, we’re still being compensated. So, di ba, napakabait ng mga boss?
“So, para sa akin, napaka-grateful ko. Kasi, hindi naman namin kasalanan kung may problema sa signal.
“Ang importante sa akin, kay Mariel at kay Ciara, we do our best. And maganda yung show namin, at naniniwala ako, pag naayos yung signal, magiging successful din yun.”
Read: Is Ruffa Gutierrez now an exclusive star of ALLTV?
RUFFA’S OTHER PROJECTS
Ano ang pagkakaabalahan niya ngayong “mawawala” muna ang M.O.Ms? Iyong oras niya roon, saan niya ilalaan?
“Ay! Meron akong uumpisahan na bagong project sa ibang network,” pagtatapat ng tinaguriang ‘mhie na may laban.’
“And then, magugulat din kayo kasi meron din akong guesting sa isa pang network, and may offer din ako sa isa pang network!
“I’m a freelancer naman kasi. So, you know I mean, I just want to ano the people kasi na parang… bina-bash din ako, nasasali ako dun sa pagba-bash.
“Kung may hatred sila towards other people, parang yung 5 percent, nadadamay ako, si Ciara saka si Mariel. I’d like to only speak for myself.”
Read: Willie Revillame laments netizens’ reaction to news about ALLTV
Pagpapatuloy ni Ruffa, “I was at ABS-CBN when it was shut down. I was doing Love Thy Woman. So, nandoon ako at nakisimpatiya. Nakiiyak din ako noon.
“But you know, di naman tayo puwedeng… anong gagawin natin, magra-rally tayo sa gitna ng kalye, di ba? You have to continue to work.
“And I’d just like to let you know that I have a very good relationship with ABS-CBN. My brother Richard [Gutierrez] is doing Iron Heart.
“I’m in touch with Tita Cory [Vidanes], and I would like to thank them. Because during the pandemic, isa ako sa mga busy sa mga artista.
“And maraming salamat din sa Showtime, kasi they were supposed to guest me just for five days. Nagustuhan nila ako at one year and a half akong nandoon — without a contract.
“So, nung natapos na yun dahil ginawa ko yung Maid in Malacañang, I was still trying to be on Showtime. Pero hindi na kaya ng katawan ko.
“So I would just like to say that I’m network-friendly. Hindi na siguro uso ang network war ngayon. That’s so decades ako.
“Siguro ang importante ngayon, magtulungan tayo. And ang importante, and I’m very grateful na may mga offers pa rin at may mga trabaho, at magiging busy ako.
“Hindi lang sa TV, hindi lang sa pelikula, pero sa pag-aaral ko rin.”
Read: Ruffa Gutierrez finally graduates from college; pursues master’s degree
ASSURANCE THAT M.O.MS WILL RETURN
May assurance ba ang management na babalik ang M.O.Ms kapag lumakas na ang signal ng ALLTV?
“Ay! May assurance po. Sinabihan kami. Hindi naman kami pinalayas!” bulalas ni Ruffa.
“Sinabi lang. Sinabi lang… kasi if it’s true, di ba, then they would have said na tapos na, hindi na kaya. Hindi!
“Ang sinabi lang… kasi, nag-advance taping naman kami. Hindi naman po kami live. So for three weeks, meron pa kaming ipapalabas na mga bagong materyal.
“And in a few months, ang sabi, aayusin lang nila yung mga internal. And of course we respect that.
“And sabi namin, OK. Ang kontrata ko sa AMBS is for the morning show, for talk. I can still do other shows with other networks.
“It may be a teleserye, a cooking show, basta ibang genre.”
Puwede siyang bumalik sa It’s Showtime sakaling pabalikin siya?
“Why not?! I love Showtime. If they love me, why not?!”
Isang taon ang kontrata ni Ruffa sa M.O.Ms. Nagsimulang umere ang M.O.Ms noong Nobyembre 28, 2022 sa ALLTV station na pag-aari ng Villar Group of Companies.
Read: Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto reveal what they can offer to their new ALLTV show
PLANS FOR VALENTINE’S DAY
Nagbiro si Direk Darryl Yap sa presscon ng MoM na mas happy sana si Ruffa kung ang kinuhang Ninoy Aquino sa movie ay si Herbert Bautista sa halip na si Isko Moreno.
Tatlong oras kinunan iyong eksenang nag-usap sina Imelda at Ninoy.
“Grabe!” natatawang tili ni Ruffa.
Read: Ruffa Gutierrez reacts to critics who say Herbert Bautista is not the marrying type
Ang tanong, mas masaya ba siya sa nalalapit na Valentine’s Day?
Mahiwaga ang ngiti ni Ruffa, “Masaya naman ako every day! Every day is like Valentine’s day, di ba?”
So, ano ang plano sa Pebrero 14, Martes, Araw ng mga Puso?
“I’m attending a birthday party, 99th birthday ni former Senator Juan Ponce Enrile.”
Takaw-pansin ang mga hikaw ni Ruffa sa presscon. Napaka-brilliant! Saan ba galing iyon?
Napakunot-noo si Ruffa, “Talaga? Takaw-pansin ba? Sinuot ko lang. I think, kay mommy ito nanggaling — hindi galing sa lalaki.
“Alam mo… alam mo… hindi ako umaasa, ever since talaga, hard working na ako since I was 13. So, hindi ko kailangang umasa sa lalaki para sa mga alahas.
“Kung bibigyan ako, di thank you. But I can by my own flowers and jewelry.”
Hindi naman siya murderer pero magiging martyr pa ba siya sa pag-ibig?
Napangiti muli si Ruffa, “Alam mo, hindi ako murderer pero hindi ko alam kung bakit most of the people na nai-in love sa akin, may pagka-murderer!”