40 anyos na binata sa Cagayan De Oro, instant multimillionaire sa 6/55 lotto
Isang negosyante mula sa Cagayan de Oro City ang naging instant multimillionaire matapos mapanalunan ang Philippine Grand Lotto 6/55 jackpot noong January 7, 2023.
Ang winning combination niya ay 44-13-19-33-27-39.
Sa ulat ng Philippine News Agency noong February 9, plano umano ng negosyante na i-donate ang bahagi ng kanyang napanalunan sa mga naging biktima ng pagbaha sa Mindanao.
Aniya sa statement na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), “Ipangpupuhunan ko ito sa aking business, at sa wakas, meron na din budget para sa pagpapakasal namin ng aking kasintahan.
“Pagkakataon ko na pong i-share yung biyaya na natanggap ko. Gusto ko pong tulungan yung mga binaha po sa amin lalo na po yung mga taga-Misamis Occidental.”
Read also: OFW na first-time lotto bettor sa Dubai wins PHP223M: “Paggising mo iba na yung buhay mo.”
Kalahati ng premyong PHP142.5 million jackpot prize ang nakuha na ng winner sa PCSO main office sa Mandaluyong City.
Ang kalahati ng premyo ay mapupunta sa may hawak ng isa pang winning ticket na nabili naman sa isang lotto outlet sa Calamba City, Laguna.
Pagbabahagi pa CDO lotto winner, “Ginuhit-guhitan ko lang yung mga kursunada kong numbers at sa awa ng Diyos, ibinigay Niya sa akin ang blessings na ito sa loob ng halos 15 years kong pagtaya sa lotto.”
Read also: Tawag ng Tanghalan winner Ralph Merced, 9 years nanirahan sa bahay ampunan
Nagpasalamat din siya sa PCSO sa patuloy na pagkakaloob ng tulong sa mahihirap na Pilipino.
“Nagpapasalamat po ako sa PCSO dahil napakadami nyo pong natutulungan na mahihirap nating mga kababayan lalo na po yung mga may sakit.
“At salamat po sa Panginoon dahil ibinigay po Niya sa akin ang biyaya na ito. Hindi ko po ito ipagdadamot dahil babalik naman po ulit ito sa ibang paraan.”
Hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na suportahan at tangkilikin ang lahat ng gaming products ng PCSO, kabilang ang Lotto and Small Town Lottery (STL), para makalikom ng pondo para sa charity programs ng ahensya.
Ani Robles, “Tuluy-tuloy lang po sa pagtangkilik sa ating Lotto at STL games dahil ang kinikita po dito ay siya nating ginagamit na pantulong sa ating mga kababayan through PCSO Charity Programs.”