BenandBen's Miguel Benjamin Guico marries girlfriend Karelle Bulan

BenandBen’s Miguel Benjamin Guico marries girlfriend Karelle Bulan

Ikinasal na ang Ben&Ben member na si Miguel Benjamin Guico sa kanyang girlfriend na si Karelle Bulan kahapon, February 10, 2023.

Nag-post ang guitarist-vocalist sa kanyang Instagram ng larawan ng kasal kasama ang mga miyembro ng kanilang banda.

Nilagyan niya ito ng caption na (published as is), “Umaga na sa ating duyan.

“Sa hirap at ginhawa, lungkot at ligaya ikaw ang kasama.”

“Ang aking mahiwaga.”

Mula ito sa lyrics ng kantang “Araw-araw” ng Ben&Ben.

Matatandaang sa isang interview ay nagbahagi ng tungkol sa kani-kanilang love life ang mga miyembro ng banda.

Sabi noon ni Miguel Benjamin ay nahaharap siya sa isang long-distance relationship o LDR setup.

“Ano kasi siya, medical student.

“So, ang nagbabadya soon ay magsa-start na siya ng duty. So, pagka ganun, most likely, LDR muna kami pero okey lang yun.”

Nag-tweet din siya sweet message noong May 7, 2020 para kay Karelle na may caption na, “Hanggang sa susunod na habang buhay.”

Mula ito sa titulo ng isa rin nilang awitin na “Sa Susunod Na Habang Buhay.”

Labis itong ikinakilig ng fans at nag-trending pa sa Twitter.

Nagpaabot ng pagbati sa mga bagong kasal ang mga kasamahan nila sa industriya at mga fans.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes