Vilma Santos promises to continue Lualhati Bautista's fight for women's rights

Vilma Santos promises to continue Lualhati Bautista’s fight for women’s rights

Labis na ikinalungkot ni Star for All Seasons Vilma Santos ang pagpanaw ng multi-awarded novelist na si Lualhati Bautista kahapon, February 12, 2023.

Read: Vilma Santos, Leni Robredo nagbigay-pugay kay Lualhati Bautista

Inilahad ni Vilma ang lungkot at pagdadalamhating naramdaman niya sa pagkawala ni Bautista sa pakikipag-usap sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Lunes ng umaga, February 13.

“So sad nang mabalitaan ko. My sincere condolences and prayers sa pamilya. Rest in peace Bb. Lualhati Bautista,” pahayag ng Star for All Seasons, na ginugunita ngayong February 2023 ang ika-animnapung (60) anibersaryo ng kanyang acting career.

“Karangalan kong makagawa ng mga pelikula mula sa winning novels niya, ang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? at Dekada ’70.

“Sa maliit kong contribution at sa abot ng aking makakaya, ipagpapatuloy ko ang adhikain niya at para sa karapatan ng mga kababaihan! Salamat Bb. Lualhati,” pangako pa ni Vilma.

Hindi nakalilimot si Vilma kina Lea Bustamante at Amanda Bartolome, ang mga pangunahing karakter sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? at Dekada70, respectively, na ginampanan niya sa pelikula at nagbigay sa kanya ng mga parangal.

Si Vilma si Lea Bustamante sa Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?, ang pelikula ng Star Cinema na mula sa direksiyon ni Chito Roño at ipinalabas sa mga sinehan noong September 9, 1998.

Dahil sa mahusay na pagganap ni Vilma sa karakter ni Lea, siya ang nanalong pinakamahusay na aktres sa Young Critics Circle, Gawad Urian, FAP Awards ng Film Academy of the Philippines, Star Awards for Movies, at Brussells International Film Festival ng Germany.

Muling humakot ng parangal si Vilma nang bigyang-buhay niya si Amanda Bartolome sa Dekada ’70, na produksiyon din ng Star Cinema, si Chito ang direktor, at official entry sa 26th Metro Manila Film Festival noong December 2002.

Para sa kanyang galing na ipinamalas sa Dekada ’70, si Vilma ang hinirang na best actress ng Young Critics Circle, Gawad Urian, FAP Awards, Star Awards for Movies, CineManila International Film Festival, at Rave Awards ng Cinema One.

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Would you like to receive notifications on latest updates? No Yes