Mushroom coffin, patok ngayon; may urn para sa mga gusto ng cremation
Sustainable lifestyle in life, and even in death?
Para sa mga gustong ipagpatuloy ang kanilang commitment to sustainability kahit sila ay sumakabilang buhay na, patok ngayon ang mga ataul na yari sa mushrooms.
Gawa ito ng isang mapangahas na Dutch inventor, na “nagtatanim” ngayon ng mga ataul sa pamamagitan ng paglalagay ng mycelium, ang root structure ng mushrooms, kasama ang hemp fiber sa isang espesyal na molde.
Sa loob ng isang linggo ay magmimistula itong katulad ng hindi pinturadong Egyptian sarcophagus.
Read also: 18 anyos na solong tagapagmana, natagpuang patay two hours after ikasal sa lalaking hindi gaanong kilala
Ang Egyptian sarcophagus ang nitso na pinaglilibingan ng mga leaders at wealthy residents ng ancient Egypt, Rome, at Greece.
Ang mga tradisyunal na ataul ay yari sa kahoy mula sa malalaking puno na ilang dekada bago lumaki at mabulok.
Samantala, ang naimbentong mushroom versions ay nagba-biodegrade at ibinabalik ang katawang lupa ng namayapa sa loob lang ng halos isa at kalahating buwan.
new burial option
Ngayong 21st century, kung kailan maraming individuals na ang nagkaroon ng iba’t ibang paniniwala at kritisismo pagdating sa kamatayan at paglilibing, marami na rin ang nag-iba ang vision kung paano sila ihahatid sa huling hantungan.
Read also: Barbie doll na may Down syndrome, inilunsad
Ayon kay Shawn Harris, isang U.S. investor sa Loop Biotech, ang kumpanya na gumagawa ng ataul na yari sa mushrooms, magkakaiba ang ating kultura at paraan kung paano natin gustong maipalibing ang ating mga labi.
“But I do think there’s a lot of us, a huge percentage of us, that would like it differently. And it’s been very old-school, the same way for 50 or 100 years.”
Read also: VIRAL: “Bula sa unang kagat!” Bridesmaid, inakalang cupcake ang wedding giveaways; sabon pala
Aniya, ang ataul na yari sa mushrooms ang sagot ng Loop Biotech sa mga gustong makamit ang full circle of life.
Ayon naman kay Bob Hendrikx, ang 29-year-old founder at inventor ng ataul, nagsagawa siya ng malawakang research tungkol sa nature, lalung-lalo na sa mushrooms.
Read also: Meet Girlie, ang 43-year-old Philippine eagle sa Quezon City
“And I learned that they are the biggest recyclers on the planet. So, I thought, hey, why can we not be part of the cycle of life?”
Noon na rin siya nagdesisyon na magpalago ng mushroom coffin, na maaari ring balutin ng moss para sa burial ceremonies.
Ang moss ay mabeberdeng halaman na katulad ng lumot pero mayroon itong complex structure katulad ng mga sanga at dahon.
At dahil mayroon itong chlorophyll, kaya nitong mag-produce ng sariling pagkain.
Tumutubo ang moss sa lupa, sa mga sanga ng puno, sa mga bato, at maging sa tubig.
Read also: Oxford student speaks in 11 languages, including “perfect” Tagalog
LIFE-GIVING URNS
Samantala, para naman sa mga gustong magpa-cremate, sinabi ni Hendrikx na mayroong urn na paglalagyan ng abo at tinataniman ng sapling ng halaman.
Kapag nabasag na ang urn, makatutulong ang abo ng namayapa sa paglago ng sapling.
Ani Hendrikx, sa halip na ang namayapa ay tuluyan na lang kainin ng lupa at hanggang doon na lang, “Now there is a new story—we can enrich life after death, and you can continue to thrive as a new plant or tree.
“It brings a new narrative in which we can be part of something bigger than ourselves.”
Ang isang mushroom coffin ay nagkakahalaga ng 995 euros o PHP59,994.95.
Walang binanggit na presyo kung magkano ang urn.
Sa ngayon, may partnership ang Loop Biotech sa isang funeral garden sa Netherlands na may anim na special habitats, kung saan maaaring ilagak ang mga labi ng mga kliyente sa mga protected parks.
Nakakalikha rin ang Loop Biotech ng 500 coffins o urns sa loob ng isang buwan.
Nagiging popular na ang ataul na yari sa mushrooms sa buong Europe.
Ayon kay Hendrikx ay sa Northern European countries malakas ang consciousness tungkol sa environment.
Doon din may panahon ng autumn kaya malawak ang kaalaman ng mga taga-Northern Europe tungkol sa mushroom, kung ano ang kayang gawin nito para sa kalikasan, at kung bakit mahalagang bahagi ito ng ating ecosystem.
Read also: China e-jeepney, may road test na sa Bacolod City; kopyang-kopya ang disenyo ng Pinoy dyipni